Ang katapusan
November 2, 2006 | 12:00am
"The evil that men do lives after them; the good is oft interferred with their bones. So let it be with Caesar." – William Shakespeare.
Itong nakaraang linggong ito ay mas makabuluhan para sa akin, dahil sa dami ng mga dinaluhan naming burol. Sa katunayan, tatlo ang namatay na kamag-anak ng mga kaibigan namin at tila wala na kaming ginawa kundi pumunta sa mga funeral parlor.
Matagal nang napamahal sa akin ang mga isinulat ni William Shakespeare, pero ang pinakamalapit sa puso ko ay ang Julius Caesar. Bukod sa pinag-aralan namin ito sa first year high school, ginampanan ko ang papel na Caesar at Mark Anthony sa entablado.
Parang hindi bagay pag-usapan si Caesar sa sports column, dahil bukod sa mahina ang katawan niya, bingi pa ang isang tenga niya. Marahil nabuhay siya sa pagpapanood kay Mark Anthony tuwing sumasali ito sa timpalak ng palakasan.
Sa kabataan natin, madalas tayo ay nahihilig sa mga laro. Dumarating ang panahon na isinasaisantabi natin ang hilig natin dahil sa mga responsibilidad na ipinapataw ng ating pamilya, trabaho o lipunan. Mahirap bumitaw, pero madalas nating ipinapangako sa sarili natin na babalikan natin ito. Madalas, hindi ito nangyayari. At nabubuhay tayong may tahimik na kumikirot sa ating dibdib, dahil hindi tayo lubusang nakapagpaalam sa bahaging iyon na minahal natin, hindi ba?
Kaya humahanga tayo sa mga atletang tumatagal sa kanilang mga larangan, at umaalis sa tamang panahon. Ilan na ba ang boksingero o basketbolista o manlalaro ng ibang sports na pilit na kumakapit sa kisig at liksi na lumisan na. Nakakalungkot.
Hanga rin ako sa mga NBA players na nakapaghanda para sa pagretiro. Alam nila kung kailan dapat magpaalam.
"Ever since I was a little boy, I wanted to have my own trucking company. That’s what I always wanted, more than basketball," sabi ng NBA All-Star na si Karl Malone. Kaya noong 1992, bumili siya ng sarili niyang 18-wheeler at ginawang negosyo ang trucking.
Ang shooter ng San Antonio Spurs na si Sean Elliot naman ay nagbukas ng pet shop na binansagang Full Court Pets, at ngayo’y masayang ibinubuhos ang kanyang atensiyon doon. Para kina Wayman Tisdale, Mark Price, David Robinson, Shaq O’Neal at maraming iba, musika ang kanilang nagiging pangalawang buhay.
Marami sa atin ang tahimik na natatakot sa panahong ito, hindi dahil sa mga kuwentong multo, kundi dahil wala tayong magawa. Hindi tayo sanay na mapag-isa. Mapipilitan tayong harapin ang mga katanungan tulad ng: Masaya ba ako? Ito ba ang gusto kong gawin? Naging sapat ba ang paglalaro ko? Ito ba ang laro ng buhay na itinitibok ng puso ko?
Sa panahong ito, panalangin ko na marinig natin ang bulong ng Panginoon, na magtuturo sa atin sa landas na nakalaan sa atin, para sa araw ng ating pagpanaw, di tayo nasasayangan at maaalala tayo ng ating mga minamahal na tunay na maligaya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended