^

PSN Palaro

Toti Carino, balik-politika, balik-basketball!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Babalik nga ba sa mundo ng basketball ang nirerespetong businessman at politiko na si Toti Carino?

Dati kasing na-involve sa basketball si Toti, being the owner of the Pasig team franchise sa MBA noon.

"Love for the sport," sabi ni Toti on why he entered basketball at that time.

Si Toti ang presidente ng Fil-Estate na kalaban din sa negosyo ng katulad ng Sta. Lucia Realty na nasa PBA naman.

Maraming magaling na players ngayon na nasa PBA ang nanggaling sa Pasig team sa MBA at masaya na rin si Toti dahil kahit paano, naging bahagi din siya ng kanilang mga basketball career.

"Okay na sa akin yun na nakatulong tayo sa kanila kahit paano nung nag-uumpisa pa lang sila sa basketball career. It is enough reward na Makita silang nag-grow at naging sikat na rin sa PBA," sabi pa ni Toti.
* * *
Nagkaroon pa nga ng tsismis noon na binalak niyang makapasok sa PBA.

"That is true. We had planned to be a part of the PBA, at kung mabibigyan lang ng chance, okay pa rin naman if we can make it to the big league. That would add prestige to our company. Pero dahil hindi pa naman puwedeng makapasok, we’ll try to find ways na lang muna on how we can help basketball. Tutal, andyan naman si Dudut (Jaworski) to help us in this aspect," dagdag pa ni Toti.
* * *
Naging one-day congressman itong si Toti a few years ago dahil nanalo rin siya sa protesta niya nung tumakbo siya. Kung kalian nga naman patapos na yung term eh tsaka pa nabigyan ng hustisya yung ipinaglaban niya.

Pakiramdam ni Toti, marami pa siyang unfinished work sa vision niya para sa mga taga-Pasig kaya ang balita namin, tatakbo siya ulit for congressman sa susunod na eleksyon, a move welcomed by most of those in Pasig.

Palagay nila, sa husay humawak ng negosyo nitong si Toti, malaki ang maiiambag niya para lalo pang matulungan ang ekonomiya ng Pasig.

Makaka-tandem ni Toti ang dati niyang kasama na si Dudut Jaworski.

Marami nga ang nagtataka. Napakayaman na raw nitong si Toti. He is a self-made man. Napakarami nang malalaking matatagumpay na negosyo. Eh bakit nga naman niya pipiliing pumasok sa pulitika.

For a man who has it all, marahil ay passion na lang to be a public servant ang namamayani kay Toti Cario ngayon kaya siya tatakbo ulit sa eleksyon.
* * *
On this day, we remember with fondness friends like Arnie Tuadles, Jack Tanuan, ex-Toyota players Alex Clarino and Fort Acuna, my first sports editor at Sports Weekly Sim Sotto, writer Pyke Jocson, Dad Angel Patrimonio, coach Charlie Badion, ex-Mapua Coach Angel de Jesus, sports editor Bert Cuevas.

Tiyak, masaya sila nasaan man sila ngayon.

ALEX CLARINO

ARNIE TUADLES

BERT CUEVAS

CHARLIE BADION

DAD ANGEL PATRIMONIO

DUDUT JAWORSKI

FORT ACUNA

PASIG

TOTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with