At sa parte ni Concepcion, ang bata na gumawa ng maraming pagbabago at may-ari ng Food Cart Concepts, Inc., na panahon na ngayon upang muli silang sumali sa liga na kanyang tinulungan, inaruga at hinasa na maging tanyag na premier amateur basketball league sa bansa.
"The passion and desire of Mr. Concepcion for basketball has never diminished, so the decision to rejoin the league was easy," ani Yanga kasama si Concepcion na bumuo ng pinakamatagumpay na partnership sa liga.
At sa kanilang pagbabalik, ipakikilala nila ang kanilang bagong produkto--ang Kettle Korn na hindi naman magiging malaking problema dahil mabilis itong nakilala bilang paboritong snacks hindi lang ng mga kabataan kundi maging ng matatanda.
Kapwa nagdesisyon sina Yanga at Concepcion na kunin ang mainit na collegiate squad sa bansa--ang University of Santo Tomas Tigers.
Ang Tigers na binanderahan nina Jojo Duncil, Allan Evangelista, Jervy Cruz at ilang gallant warriors, tinalo ang paboritong Ateneo sa klasikong best-of-3 finals series upang mapagwagian ang UAAP crown.
At ang panalo ng UST ang nagbigay kay Jarencio ng kanyang unang kampeonato sa liga, ang tagumpay na kailanman ay hindi niya naranasan sa kanyang college day sa koponan bilang top gunner noong kaagahan ng dekada 80s.
Pero maaari pa niya itong dalhin sa mas mataas na antas ng labanan gaya ng sa PBL.
At iniisip na ito ni Jarencio.
"We have to adjust to the kind of game in the PBL, kung hindi kami magtatrabaho ng husto walang mangyayari sa amin, so kailangan handa rin kami," ani Jarencio. "Doon naman ang pupuntahan nila e, kaya dapat palaban sila."