^

PSN Palaro

Manila, nangunguna pa rin

-
Humakot ang Manila ng kabuuang 24-golds sa athletics competition sa pagunguna ni Rolando de Ramos na nagsubi ng dalawang golds, upang mapanatili ng host city ang pamumuno sa Manila Youth Games na nagpatuloy sa Rizal Memorial Track Oval kahapon.

Nanguna ang 16-anyos na si de Ramos sa boy’s 16-17 100-meter dash at 400-meter run para sa Manila na namamayagpag ng husto sa kanilang kabuuang 32-golds na produksiyon bukod pa sa 22-silvers at 23-bronzes.

Naghatid din ng ginto para sa Big City sina Elcud Cuyugan mula sa boy’s 13-15 shot put, Romar Banola mula sa boy’s 13-15 high jump, Kristine Cabrera mula sa girl’s 100m hurdles, Joshua Paul Sacro mula sa boy’s 13-15 hurdles, Randolph Hernandez mula sa boy’s 16-17 discus throw at Aljean Diente mula sa boy’s 16-17 3000m run.

Nagmina rin ng ginto ang mga Manileño sa week-long event na suportado ng Converse, San Miguel, Tanduay, PAGCOR, Milo, Super Ferry, Landbank, Metrobank, Procter and Gamble, Globe Telecoms, Spurway Enterprises, Jex Nylon Shuttles, STI-Taft, PLDT, Aktivade, Isuzu Manila, IntrASports at Concept Movers sa badminton competition na ginanap sa San Andres gym.

Nagsubi ng gold sina Ireland Largoza mula sa girl’s 8-under singles, Kevin Acosta mula sa boy’s 8-under singles, Angelica Valerio mula sa girl’s 12-under singles, Dianne Castro at Angelica Valerio mula sa girl’s 12-under doubles at Von Eric Ysulat mula sa boy’s 12-under singles.

Kasunod ng Manila sa medal tally ay ang Quezon City na may 12-13-15 gold-silver-bronze at Baguio City na nasa third place sa kanilang 6-golds, 7-silvers at 10-bronzes.

Nakakuha ng gold medal ang Quezon City mula kina Prince Moneubio sa boy’s 10-under singles, Exequiel Castro at CK Clemente sa boy’s 10-under doubles at Robert Lozadas at Alvin Morada sa boy’s 12-under doubles.

Kabilang sa top 10 ang Laguna Province (5-6-4), Candon City (4-6-6), Taguig City (4-3-6), Muntinlupa City (3-5-4), Parañaque (3-3-11), Valenzuela (2-1-3) at Tu-guegarao (1-1-2). (Mae Balbuena)

ALJEAN DIENTE

ALVIN MORADA

ANGELICA VALERIO

BAGUIO CITY

BIG CITY

BOY

CANDON CITY

CITY

MULA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with