2 bagong mukha ipaparada ng Alaska vs Purefoods
October 27, 2006 | 12:00am
Pagkatapos ng triple overtime win ng defending champion Purefoods Chunkee, may idea ang Alaska kung gaano katibay ang Chunkee Giants.
Inspirado ng nakaraang 109-103 panalo laban sa Talk N Text Phone Pals na nangailangan ng tatlong extra quarters, mataas ang morale ng Chunkee Giants sa alas-7:30 ng gabing pakikipag-sagupa sa Aces na magpaparada ng dalawang bagong mukha sa kanilang laro ngayon sa Araneta Coliseum.
Kinuha ng Alaska si Dale Singson at nire-activate nila si Rensy Bajar bilang pamalit kay Bernzon Franco at inaasahang may dalang suwerte ang dalawang ito upang makaahon sa kulelat na posisyon ang Aces.
Unti-unti nang nakakabangon ang Chunkee Giants na mayroon nang 3-3 win-loss slate at base sa kanilang dalawang sunod na tagumpay-ang isa kontra sa Sta. Lucia sa San Fernando, La Union noong Sabado, 100-96, mas pinapaborang manalo ang Purefoods kaysa sa Aces na baon sa 1-4 kartada matapos ang tatlong sunod na kabiguan.
Mauuna rito ay ang sagupaan ng Red Bull at ng Welcoat Paints sa alas-4:35 ng hapon kung saan hangad ng Bulls na makisalo sa ikalawang puwesto sa walang larong Talk N Text.
Kasalukuyang kasama ng Red Bull ang pahingang Ginebra sa 3-2 kartada at ang kanilang tagumpay ay magbibigay sa kanila ng karapatang saluhan ang solo second placer na Talk N Text na may 4-2 record sa likod ng surprise leader na Sta. Lucia Realty na may pinakamagandang 3-1 karta.
Ngunit habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Gin Kings at Coca-Cola sa ikatlong provincial game ng PBA sa season na ito sa Cabagan Isabela. (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended