^

PSN Palaro

Japanese coach ibinalik sa RP bowling team

-
Ibinabalik ng Philippine bowling team sa kamay ng isang taong responsable sa matagumpay na panahon ng mga Pinoy sa kasaysayan ng bowling sa Asian Games.

Nagbabalik si dating Japanese pro player Madoka Amano bilang coach ng RP men’s at women’s squad sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.

Doon sa mga hindi nakakaalam, si Amano ang responsable sa limang golds ni bowling great Bong Coo sa quadrennial meet. Ang most bemedalled Pinoy bowler sa kasaysayan ng Asiad. Si Coo ay kumulekta ng tatlong golds noong 1978 Bangkok Games at dalawa pa makalipas ang walong taon sa Seoul, Korea.

"Ngayon lang siya bumalik uli sa team," pagkumpirma ni Coo, kasalukuyang coordinator ng national team sa PSA Forum sa Pantalan Restaurant sa Manila.

Ang pagpasok ni Amano ay makakabuti sa kampanya ng bansa sa December 1-15 Asiad kung saan ang Pilipinas ang defending champion sa men’s doubles event. Napagwagian nina 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno at RJ Bautista ang doubles gold noong 2002 Games sa Busan, South Korea.

Nagbabalik din si Nepomuceno sa RP roster kasama sina dating World Cup champion CJ Suarez, Chester King, Tyrone Ongpauco, Markwin Tee at reigning World Masters titlist Biboy Rivera.

Ang kababaihan naman ay binubuo nina world trio record holder Liza del Rosario, Liza Clutario, Ces Yap, Jojo Canare, Irene Garcia-Benitez at Apple Posadas.

AMANO

APPLE POSADAS

ASIAD

ASIAN GAMES

BANGKOK GAMES

BIBOY RIVERA

BONG COO

CES YAP

CHESTER KING

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with