Tuwing PBA offseason, laging laman ng balita si Adducul na nais niyang magpa-trade at umalis sa Barangay Ginebra dahil nga kulang siya sa exposure sa Gin Kings.
Pinakahuli nga bago ang 2006-2007 season eh interesado ang baguhang Welcoat na maibalik sa kanilang lineup si Adducul pero bigo ang Dragons.
Si Adducul kasi ay miyembro ng Welcoat Paint Masters sa PBL noong panahon na naghahari ang Paint Masters sa nag-iisang amateur league sa bansa.
In fairness, maganda ang naging performance ni Adducul noong Linggo ng gabi kontra sa dati niyang team.
Sana nga dito na makamit ni Adducul ang tunay na kaligayahan at sana rin maging matagumpay siya sa kanyang inaambisyong MVP award na minimithi ng lahat ng PBA players.
Di ba Tito Ed Ponceja?
Lalo na siguro kung makakalaro na rin si Danny Ildefonso.
Si Alex ay matagal kong nakasama. Dito sa Star Group of Publications pareho na kaming 20 years bukod pa noong time namin sa Journal kung saan nagsisimula pa lamang ako bilang police reporter.
Kaya nga nagulat ako nang umagang-umaga ay tawagan ako ng Tito Bobby ko (Bobby Dela Cruz) para ipaabot ang masama at malungkot na balita.
Ipinaaabot ko at ng aking buong pamilya ang aming pakikidalamhati sa kanyang pamilya.