^

PSN Palaro

May ibubuga pa si Peñalosa

-
Sa bisa ng kanyang matutulis na left hook, pinabagsak ng 34-anyos na si Peñalosa si dating World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Mauricio "Cry Baby" Martinez ng Panama sa 9th round kahapon sa Don Haskins Center sa El Paso, Texas, USA.

-Dalawang beses pinahalik ng Cebuano warrior sa lona ang 31-anyos na si Martinez sa 1st at 4th round bago pinatigil sa 1:06 ng round nine.

Umangat sa 51-5-2 win-loss-draw ang ring record ni Peñalosa, dating World Boxing Council (WBC) super flyweight ruler, tampok rito ang 34 knockouts.

"Siyempre, nagpapasalamat ako sa kumpare kong si Manny Pacquiao dahil sa pagbibigay niya ng inspirasyon at lakas ng loob sa akin para makabalik," wika ng kaliweteng si Peñalosa.

Isinabay ng 27-anyos na si Pac-quiao sa kanyang ensayo kay Ameri-can trainer Freddie Roach si Peñalosa sa Wildcard Boxing Gym sa Los Angeles, California para sa kanyang laban kay Martinez.

Maliban kay WBO bantamweight titlist Ratanachai Sor Vorapin ng Thai-land, inaasahan ring ililinya si Peñalosa kay WBO super bantamweight king Daniel Ponce De Leon para sa isang championship fight.

Matagumpay na naidepensa ni De Leon ang kanyang korona kay Al Seeger mula sa isang 8th round stoppage para ibandera ang kanyang 30-1-0 (28 KOs). (R. Cadayona)

AL SEEGER

CRY BABY

DANIEL PONCE DE LEON

DE LEON

DON HASKINS CENTER

EL PASO

FREDDIE ROACH

LOS ANGELES

RATANACHAI SOR VORAPIN

WILDCARD BOXING GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with