^

PSN Palaro

Sta. Lucia nalusutan ng Purefoods

-
Sinayang ng defending champion Purefoods Chunkee ang 20-puntos na kalamangan at binigyan pa nila ng pagkakataong hawakan ng Sta. Lucia ang trangko ngunit umihip ang magandang kapalaran sa kanilang panig sa endgame para maitakas ang 100-96 panalo sa Pacoy Ortega Gym sa San Fernando, La Union na binisita ng PBA Philippine Cup kahapon.

Bumangon ang Purefoods mula sa 93-96 pagkakahuli sa pamamagitan ng 7-0 produksiyon nina James Yap, Peter Jun Simon at Mark Pingris upang iselyo ang kanilang ikalawang panalo sa limang laro.

Mula sa solong pamumuno, bumagsak ang Sta. Lucia sa pakikisosyo sa 3-1 record sa Ginebra at Red Bull sa likod ng bagong leader na Talk N Text na may 4-1 kartada.

Nagpundar ang Purefoods ng 20-puntos na kalamangan mula sa three-point play ni Kerby Raymundo sa bungad ng third quarter, 60-40 ngunit isang 22-2 run ang pinakawalan ng Sta. Lucia upang maitabla ang iskor sa 62-all na nagsimula ng gitgitang labanan.

Tangka naman ng Gin Kings na makisalo sa liderato sa pakikipagharap sa nabuhayan nang San Miguel Beer sa tampok na laro sa alas-6:30 ng gabi sa pagbabalik ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.

Ilang araw matapos itrade ng Ginebra, makakaharap ngayon ni Romel Adducul ang dati niyang team upang masundan ang kanyang magandang debut sa Beermen na nanalo sa Alaska, 81-71 kamakalawa para makabangon sa tatlong sunod na kabiguan.

Mauuna rito ay ang sagupaan ng rookie team na Welcoat (2-2) at Air21 (1-3) sa alas-4:05 ng hapon. (Mae Balbuena)

CUNETA ASTRODOME

GIN KINGS

GINEBRA

JAMES YAP

KERBY RAYMUNDO

LA UNION

MAE BALBUENA

MARK PINGRIS

PACOY ORTEGA GYM

PETER JUN SIMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with