Pagkakasakit ni Reyes, di hadlang sa kanyang kampanya sa World Pool
October 21, 2006 | 12:00am
Bagamat kagagaling lamang sa sakit ni Efren Bata Reyes, hindi ito magiging hadlang sa kanyang nakatakdang pagkampanya sa World Pool Championships.
Kalalabas lamang ng 57-gulang na si Reyes sa Angeles University Hospital dahil sa mataas na blood sugar at Asthma.
Nakaramdam si Reyes ng hirap sa paghinga at mataas na lagnat noong Linggo pagkatapos ng kanyang kampanya sa nakaraang San Miguel Beer 9-Tour sa Casino Filipino Pagcor Theater sa Parañaque City.
"Gusto kong mapanalunan uli ito ngayon," pahayag ni Reyes na tumalo kay Rodney Morris, 13-5 tungo sa kanyang pagkopo ng $500,000 top prize sa World 8-ball open shoot-out sa Reno, Nevada.
Hangad ni Reyes, nanalo ng World Pool Championships noong 1999 na makabawi sa kanyang kampanya noong nakaraang taon sa Kaoshiung, Taiwan kung saan maagang nasibak ito sa group play pa lamang dahil sa kanyang problema sa mata.
Matapos ang matagumpay na operasyon ni Reyes noong Oktubre sa American Eye Center, tinalo nito si Mike Sigel para sa $200,000 ng King of the Hill sa Orlando, Florida noong Disyembre. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest