Giants nanliit sa Tigers
October 19, 2006 | 12:00am
Mag-ingat sa tigre! Ito ang babala sa lahat ng teams sa kasalukuyang PBA Philippine Cup.
Ang Coca-Cola Tigers ay isa sa mga underdogs ng season-opening conference na ito ng PBA ngunit dalawang malalaking panalo na ang kanilang nailista.
Ang kanilang pinakahuling biktima ay ang defending champion Purefoods Chunkee, 92-77 kagabi sa pagpapatuloy ng eliminations sa Araneta Coliseum.
Binura ng Tigers ang alaala ng kanilang masamang pagkatalo sa unang dalawang laro sa pamamagitan ng malaking tagumpay kontra sa Red Bull, 105-86 at ngayon ay umangat na sa 2-2 kartada ang Coke katabla ang pahinga ngayong rookie team Welcoat paints.
"Sinuwerte lang. As much as were underdogs and as mush as nobody is taking a second look at us, westill hope that we can compete," pahayag ni Coca-Cola coach Binky Favis. "The initial package that we were bunch of fighting guys who can only get better with time."
Pinangunahan ng beteranong si Ali Peek ang Tigers sa pagkamada ng 19-puntos ngunit kinumplimentuhan ito ng pagtabla sa career-high ni Allan Salangsang, rookie Joseph Yeo at Jason Misolas.
Tumapos si Salansang ng 16-puntos, 14 nito ay sa ikaapat na quarter lamang kung saan lumayo ng husto ang Coca-Cola upang ipalasap sa Chunkee Giants ang kanilang ikatlong kabiguan matapos ang apat na pakikipaglaban.
Nagsumite naman si Misolas ng 14-puntos at 10-rebounds na sinundan ng 13-puntos ni Yeo. Nawala na naman sa direksiyon ang pagtatanggol ng korona ng Purefoods na pinangunahan ni Paul Artadi sa kanyang career-high na 18-puntos, nang hindi nila nasundan ang 103-101 decision laban sa Air21 noong Sabado para makabangon sa dalawang sunod na kabiguan.
Kasalukuyang nakikipaglaban para sa ikaapat na sunod na panalo ang Talk N Text laban sa w ala pang panalong Air21 habang sinusulat ang balitang ito na magkakaloob sa kanila ng solong pamumuno. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended