Ang kakaibang run, na nakatakda bukas sa metropolis ay magsisimula sa alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi na naglalayong pinakamaganda ang ikatlong yugto ng naturang Asiad torch relay.
Ang Doha Asiad torch ay dumating sa bansa at dala ng opisyal ng Doha Asian Games Organizing Committee (DAGOC) sa special session ng PSA Forum sa Renaissance New World Hotel sa Makati sa pormal na paglulunsad ng nasabing event.
Ang pagtakbo ng torch ay magsisimula sa alas-7:25 ng umaga sa Luneta Park at dadaan sa 10 lungsod ng metropolis/ Tatampukan ito ng equestrianne na si Mikee Cojuangco-Jaworski na bitbit ang torch sakay sa kabayo patungong Makati at ibabangka ng dragon boat team sa may Manila Bay sa pagsapit sa Vito Cruz patungo sa Pedro Gil Manila.
Dadaan din ito sa Marikina City kung saan matatagpuan ang pinakamalaking sapatos sa mundo at People Power Monument, ang makasaysayang lugar ng EDSA Revolution sa Quezon City.
Bukod kay Cojuangco-Jaworski, gold medalist sa nakaraang Asiad sa Busan, South Korea, ang iba pang prominenteng torch bearers ay kabibilangan nina four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, Manila Mayor Lito Atienza, dating Southeast Asian Games long jump queen Elma Muros-Posadas, swimming sensation at one-time PSC chairman Eric Buhain, 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto Velasco at Qatari powerlifting champion Ali Abdulla M.A. Mohamed.