Bustamante nagpamalas ng supremidad
October 15, 2006 | 12:00am
Ipinaramdam ni Francisco "Django" Bustamante ang kanyang supremidad laban kay Dennis Orcollo, 13-8 at ipuwersa ang title duel laban naman kay Leonardo Didal sa San Miguel Beer Philippine 9-Ball Open na ginaganap sa Casino Filipino Pagcor Theater.
Huli na nang kumawala ang defending champion sa kanilang rematch ni Orcollo ngunit nanatiling walang talo sa event na inorganisa ng Solar Sports at hatid ng San Miguel Beer.
Inaasahang mahaharap sa mahigpit na pagsubok si Bustamante.
"Ang dami nyang errors kaya sinamantala ko na. Ang akala ko magkakagitgitan hanggang huli," wika Bustamante.
Sa kabilang dako, binigo ni Didal ang umuusbong na star na si Mike Takayama, 13-5.
Ang ipinagmamalaki ng Davao ay nagwagi sa huling walong racks matapos ang 5-all deadlock upang isiguro ang P250,000 paycheck.
Si Takayama, na pinahanga ang mga manonood sa pamamagitan ng nakakagulat na panalo kina Gandy Valle, Alex Pagulayan at Orcollo, ay nakipagtunggali ng husto kay Didal at nakipagpalitan lamang ng mga safety sa kaagahan ng laban. Abante sa 4-3 si Takayama, nang mapagwagian ang tatlong racks sa mahusay na placing.
Ngunit kulang ito sa karanasan.
At ang pinakaturning point ay sa 14th rack. Naghahabol sa 5-6 na ang cue ball ay nasa kamay matapos mascratch si Didal, mas pinili ni Takayama ang 2-9 combination na tira.
At nagmintis ito na naging daan upang linisin ni Didal ang rack para makaabante ng dalawang puntos. Ito rin ang naging senaryo sa 16th at muling nabigo si Takayama sa kanyang combo.
"Bata pa kasi kaya hindi pa masyadong nag-iisip," ani Didal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended