FEU, Adamson kampeon sa UAAP beach volley
October 10, 2006 | 12:00am
Tinanghal na kauna-unahang winner ang Far Eastern University at Adamson University sa UAAP beach volleyball, na nilalaro bilang demonstration sports sa Season 69 sa UE-Kalookan court.
Nakipaglaro ang FEU bago hinatak ang makapigil hiningang 23-21, 21-18, 15-13 panalo laban sa University of the Philippines bago masunggab ang titulo sa mens division.
Ipinakita nina Joshua Alcarde at Mark Alexander Sibug, kapwa miyembro ng Tamaraw indoor volleyball team, ang kanilang lakas sa net upang bugbugin sa ikatlong set sina Jarod Hubalde at John Mendoza ng UP.
Dumaan din sa matinik na daan ang FEU bago ginapi ang Adamson University, 16-21, 21-18, 15-13 sa semis samantalang naging madali naman sa UP ang panalo laban sa Ateneo, 21-12, 21-14 sa isa pang laban sa semis.
Sina Alcarde at Sibug, kapwa Sports Recreation Management students, ay kapwa maaring maglaro para sa FEU sa pagtatangka ng Tamaraws sa mens indoor volleyball crown sa susunod na semester.
Ikatlo naman ang Adamson sa mens contest kasunod ang Ateneo at UE.
Sa kababaihan, walang talo ang Adamson University kabilang na ang 21-10, 21-17 panalo laban sa UE sa finals para tanghaling kampeon.
Masyadong malakas ang tambalang Rizza Laguiless at Anna Suarez kina Suzanne Roces at Mary Abigail Escandor ng UE upang tangayin ang korona. Ang beach volleyball na ipinakilala ngayon ay kabilang na sa kalendaryo ng UAAP bilang regular sports sa susunod na taon.
Pumangatlo naman ang University of Santo Tomas, kasunod ang FEU, Ateneo, National U at UP sa womens division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended