^

PSN Palaro

May misyon si ‘Bata’

-
Ibang iba na si Efren "Bata" Reyes mula noong nakaraang taon at mainit na mainit ito ngayon sa paglahok sa 2006 Philippine 9-Ball Open na nakatakda sa Oct. 12-14 sa Casino Filipino sa Parañaque.

Nanalo ang pool icon sa huling tatlong torneo, ang World Cup of Pool sa pakikipagtambalan kay Francisco "Django" Bustamante, World 8-Ball Open sa Reno, Nevada at ang final leg ng Asian 9-Ball Tour sa Jakarta, Indonesia.

"S’yempre pipilitin nating makuha ‘yung pang-apat," ani Reyes na nahirapan noong nakaraang taon sa torneong ito dahil sa problema sa mata.

Siguradong hindi magiging madali ang kampanya ni Reyes dahil tiyak na bibigyan ito ng mahigpit na hamon ni Bustamante, ang defending champion na kagagaling lamang sa matagumpay na pagdedepensa ng kanyang titulo sa Bali Open.

Ang runner-up noong nakaraang taon na si Dennis Orcollo ay isa rin sa malakas na contender matapos manalo sa nakaraang World Pool League sa Warsaw, Poland.

Ang iba pang contenders ay sina Jose "Amang" Parica, former world champion Alex Pagulayan, World Pool Championship semi-finalist Marlon Manalo, former AZBilliards Rookie of the Year Ronnie Alcano, Southeast Asian Games gold medalist Lee Vann Corteza at one-time Asian 9-Ball Tour leg winner Gandy Valle.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

BALI OPEN

BALL OPEN

BALL TOUR

BUSTAMANTE

CASINO FILIPINO

DENNIS ORCOLLO

GANDY VALLE

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with