^

PSN Palaro

GM results ni Gonzales lumabo

-
Napuwersa si Filipino International Master Jayson Gonzales sa fighting draw kontra kay Belgian IM Marc Dutreeuw na naging dahilan para lumabo ang tsansa niyang makopo ang third at last GM results matapos ang 7th round ng 19th International Chess Open EsVermar kahapon sa Antiga Escola Graduada sa Binisalem, Mallorca, Spain. 

Bagama’t "a must win situation’", nabigong maipanalo ni Gonzales ang laro para sa pagtarak sana ng krusiyal na buong puntos matapos ang 40 moves draw ng Alekhine Defense kontra kay fellow IM Dutreeuw tangan ang itim na piyesa at naging dahilan din para maputol ang kanyang three game winning streak matapos matamo ang nag-iisang pagkatalo sa kamay ni top seed GM Lazaro Bruzon (2677) ng Cuba sa third round. 

Si Gonzales ay naka-ipon ng kabuuang 5.5 puntos, mula sa limang panalo, isang talo at draw sa ikapitong laro.

Sa isang banda, lahat ng top 4 boards ay nauwi sa draw kasama na ang laro sa pagitan nina Detreeuw at Gonzales sa Board 3.

Sa Board 1, naghati sa puntos sina GM Bruzon at IM Arturo Vidarte ng Peru matapos ang  46 sulong ng Sicilian Ritcher Rauzer Attack. 

Sa Board 2, tabla din sina IM Martin Senff ng Germany at IM Georgios Souleides ng Greece sa 12 moves ng Sicilian Defense habang tabla din sina GM Sergei Krivoshey ng Ukraine at IM Herminio Herraiz Hidalgo ng Spain sa 8 moves ng Dutch Defense sa Board 4.

ALEKHINE DEFENSE

ANTIGA ESCOLA GRADUADA

ARTURO VIDARTE

DUTCH DEFENSE

FILIPINO INTERNATIONAL MASTER JAYSON GONZALES

GEORGIOS SOULEIDES

GONZALES

HERMINIO HERRAIZ HIDALGO

INTERNATIONAL CHESS OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with