Puwes, hindi niya tinupad ang kanyang pangako matapos na mabigo ang Barangay Ginebra na makausad man lamang sa semifinal round.
Pero kahit paanoy may katwiran din naman si Caguioa na hindi tumupad. Kasi ngay hilahod ang Gin Kings noong nakaraang season. Biruin mong nalagasan sila ng tatlong superstars na nagkaroon ng injuries at pawang naoperahan. Bale naging spectators na lamang sina Romel Adducul, Andy Seigle at Rodney Santos.
Abay kahit na ang Most Valuable Player na si Eric Menk ay hindi makapaglaro nang maayos dahil sa may dinaramdam din.
Kaya naman mga "replacement players" na lang ang naglaro at kahit paanoy maganda pa rin ang kanilang naipakita dahil sa nakarating naman sila sa quarterfinal round.
Marami ang nagsasabing ngayon dapat mangako si Caguioa. Kasi, napakalakas ng Barangay Ginebra na animo "national team" matapos na makuha sina Rudy Hatfield, Rafi Reavis, Billy Mamaril at Johnny Abarrientos buhat sa Coca-cola Tigers.
Kitang-kita ang tindi ng line-up ng Gin Kings nang durugin nila ang Welcoat Dragons, 102-69 noong Linggo.
Pero siyempre, kahit si coach Joseph Uichico ay nagsasabi na hindi puwedeng gawing basehan ang panalong iyon.
Kasi ngay baguhan naman ang Welcoat at hindi superstar-laden ang team ni coach Leo Austria.
Kung halimbaway ang Talk N Text o San Miguel Beer ang tinambakan ng Gin Kings, abay puwedeng gawing basehan iyon kung hanggang saan ang kayang abutin ng tropa ni Uichico.
Pero kahit na si Hatfield mismo, na nagtapos nang may 21 puntos, 14 rebounds at tatlong assists sa kanyang unang game bilang isang Gin King, ay nagsasabing inaasahan niyang magkakampeon ang Barangay Ginebra.
Kasi ngay huhusay pa ang Barangay Ginebra habang umuusad ang torneo dahil sa magkakakilanlan na sila ng isat isa at magiging fluid ang kanilang laro.
So baka naman si Hatfield na lang ang puwedeng gumawa ng fearless forecast at mangako din na tulad ni Caguioa.
Kasi, kung si Caguioa ulit ang mangangako, baka wala nang maniwala sa kanya!