Geisler, lalaro sa Asian Games
October 7, 2006 | 12:00am
Mula sa pagreretiro, magbabalik si Donald David Geisler sa national taekwondo team para sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Nagdesisyon ang 26-anyos na si Geisler na magbalik-aksyon matapos ihayag noong Agosto na titigil na siya sa aktibong partisipasyon sa international taekwondo scene.
"I think hes in good condition. Siguro give him two to three weeks and he will be in tip top shape and ready to go for the Asian Games in Doha, Qatar this December," wika ng isang miyembro ng national coaching staff ng Philippine Taekwondo Association (PTA) kay Geisler.
Ang two-time Olympic Games campaigner ay maglalaro sa light weight division sa 2006 Doha Asiad na nakatakda sa Disyembre 1-15.
Sa nakarang 23rd Southeast Asian Games noong 2005, isa si Geisler sa mga taekwondo jins na nag-ambag ng gintong medalya para sa Team Philippines.
Humugot ang mga Pinoy jins ng kabuuang 6 gold, 5 silver at 1 bronze medals.
Bukod kay Geisler, ang iba pang sumipa ng gintong medalya sa 2005 Philippine SEA Games ay sina finweight Japoy Lizardo, bantamweight Tshomlee Go, lightweight Toni Rivero, bantamweight Esther Marie Singson at featherweight Elaine Alora.
Makakasama ni Geisler sa 2006 Doha Asiad sina Lizardo, Go, Rivero, Elaine at Eunice Alora, Dax Morfe, Alex Briones, Manuel Rivero at Sugar Catalan. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended