40 aspirants susubok sa PBL Rookie Camp

May 40 aspirants, karamihan dito ay mga umuusbong na collegiate stars ang lalahok sa Philippine Basketball League (PBL) Rookie Camp sa Oct. 11 sa JCSGO gym sa Cubao.

Kabilang sa mga players na inaasahang magpapasiklab sa one-day camp kung saan maipapakita ng mga aspirants ang kanilang talento ay sina Gilbert Buyco ng University of the Philippines, Jim Bruce Viray ng San Sebastian College, Dyreldale Mendoza ng University of Perpetual Help Dalta System at John Derick Dizon ng Manuel Luis Quezon University.

Inaasahan ni Commissioner Chino Trini-dad na lalaki ang bilang nga mga participants sa Lunes na siyang deadline para sa pagsusumite ng application forms.

Ang dating PBA player na si Joey Guanio ang mangangasiwa ng rookie camp sa alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para sa detalye, tumawag kay Lanie Sagayap sa 667-3008-09 mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon o pumunta sa PBL office sa Unit 2302-A West Tower, Phil. Stock Exchange Centre, Ortigas Center sa Pasig City.

Show comments