Korean team ng Pilipinas
October 5, 2006 | 12:00am
Sa huling limang taon, daan-daang libo nang mga Koreano ang nagdagsaan sa ating bansa. Ang karamihan ay mga turista na naliligayahan sa murang bilihin at magandang panahon. Mula Baguio hanggang Zamboanga, maraming natatanaw na gumagalang Koreano. Subalit anami rin sa kanila ay nagpapaaral ng mga anak sa wikang English at sa mga business course.
Sa ilang baytang ng Benedictine International School (BIS) sa Quezon City, mas marami pa ang mga mag-aaral na Koreano kaysa sa Pilipino. Ang kanilang varsity team na binansagang Tiger Sharks, ay ipinagmamalaki ng paaralan. Dahil sa kanilang kagustuhang maging ganap na bahagi ng komunidad ng BIS, ilan sa mga Koreano ay nakiusap kung puwede nilang laruin ang ating paboritong sport.
Kaya bumuo ang eskuwelahan ng isang hiwalay na koponan na puro Koreano ang mga players.
"The Korean are very disciplined students and players, as well," sabi ni deputy coach Bryan Enrado. "And they are trying their best to improve whatever skills they have right now."
Sa kanilang nakaraang grade school graduation noong Marso, anim sa kanilang mag-aaral ang tumanggap ng award para sa individual subjects. Lima sa anim ay mga Koreano. Bagamat masipag sila, hindi talaga sila likas na magaling sa basketbol.
"Basically, a lot of Koreans are more into soccer than basketball. But since they are in the Philippines, where basketball is the most popular sport, theyre trying thier best to be into that sport," dagdag pa ni Enrado.
Kinausap din ng PSN ang ilang mag-aaral kung bakit nila nahihiligan ang basektbol. Ang ilan ay hirap magpaliwanag sa wikang Ingles.
"I like to play basketball just for fun," sabi ni Chris Eum. "Im not bad. Just in the middle, average."
"When I play basketball, i get excited," dagdag ni Da Bin sa putol-putol na English.
"I played soccer in Korea thats why I was bored with it. I want to play a new sport in the Philippines," paliwanag ni Mikhael Han, ang nakasalamin na pinakamatangkad na miyembro ng Benedictine Korean team.
Bagamat wala silang naiupanalo sa kanilang torneong sinalihan noong 2005, marami ang napabilib sa mga Koreano dahil sa sipag nila, at pagiging magalang. Pati sa labas ng court, nagbibigay-pugay sila sa kanilang mga coach at pati sa mga nakakatanda sa kanila.
"My goals for them are not really to win. Its more for them to improve their skills and become competitive enough for the coming leagues," pagtatapos ni Enrado.
Given thier inherent discipline and work ethic, time is all they need to excell in our favorite sport, too."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest