^

PSN Palaro

Mansyon ni Pacman matatapos sa Dec. 17

-
Bago ang Disyembre 17 ay kailangan nang matapos ang ipinatatayong mansyon ni Filipino boxing idol Manny Pacquiao sa General Santos City. 

Ito ang kabilin-bilinan ng 27-anyos na si Pacquiao sa kinuha niyang contractor para sa ipinapatayo niyang isang 2,500-square meter na lote kung saan ang 800 square meter nito ay ang sukat ng kanyang bahay. 

Gusto ni Pacquiao na sa araw ng kanyang kaarawan sa Disyembre 17 ay tapos na ang kanyang ipinagagawang mansyon na naglalaman ng pitong malalaking kuwarto at walong banyo. 

Tinatampukan rin ang nasabing mansyon ng tinaguriang "Pacman" ng gym, recording studio, swimming pool, library, prayer room, entertainment center, theater room, quest room, den at sauna. 

Ang naturang bagong tahanan ni Pacquiao ang sinasabing magiging pinakamalaking mansyon sa buong General Santos City. 

Ang magiging kuwarto ng anak nitong sina Jimuel at Michael ay kukulayan ng yellow green, habang ang bagong silang na si Mary Divine Grace ay kulay pink. 

Bago lumipad patungong Hollywood, California para mag-ensayo sa kanilang "Grand Finale" ni Mexican legend Erik Morales, binisita muna ni Pacquiao ang kanyang mansyon para personal na gabayan ang mga gumagawa. 

Nakatakda ang upakan nina Pacquiao at Morales sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mach Center sa Las Vegas. (Russell Cadayona)

DISYEMBRE

ERIK MORALES

GENERAL SANTOS CITY

GRAND FINALE

LAS VEGAS

MACH CENTER

MARY DIVINE GRACE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with