^

PSN Palaro

Silver medal sinagwan ng Filipino paddlers

-
Matapos ma-delay ang flight patungong Kaoshung, Taiwan noong Huwebes bunga ng pananalanta ng bagyong si "Milenyo", isang silver medal pa rin ang naiuwi ng mga Filipino paddlers.

 Sinikwat ng 10-man squad ang silver medal sa 250-meter mixed crew event ng katatapos na 2006 World Dragonboat Championships sa Taiwan.

 Naorasan ang grupong pinangunahan ni Alvin Am-posta ng bilis na 1:14.66 para pumangalawa sa gold medalist na Hungarian team (1:13:09) at kasunod ang bronze medalists na Russian squad (1:15:64).

 "Hindi ko expected na ganoon kaganda ang magi-ging performance nila to think na talagang dehado sila sa height at muscle," ani national head coach Len Escollante.

 Hindi pa man nagsisimula ang karera ay pinulaan na ang mga Pinoy ng mga naglala-kihang Russian paddlers, dagdag ni Escollante. 

"Talagang tinatawanan kami ng mga Russians. Sabi ko lang sa mga bata, i-treat na lang ito as a challenge sa kanila," ani Escollante. "And after the race at kami ang nag-silver, parang ayaw nang umakyat sa entablado ‘yung mga Russians dahilan sa kahihiyan."

 Ayon pa sa mentor, isang araw lamang nakapagsanay ang koponan bunga ng pagkaka-delay ng kanilang flight dahil sa paghagupit ni "MIlenyo".

 Ang 10-man national team ay binubuo ng anim na lalaki at apat na babaeng paddlers. (Russell Cadayona)

ALVIN AM

AYON

DRAGONBOAT CHAMPIONSHIPS

ESCOLLANTE

HUWEBES

KAOSHUNG

LEN ESCOLLANTE

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with