^

PSN Palaro

Paragua, ‘di lalaro sa Asiad

-
Mas binigyan ni Grand Master (GM) Mark Paragua ng pagkakataon ang ibang national chess player na makalaro sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar.

Ayon kay Paragua, isang magandang pagkakataon para sa mga bagitong wood pushers na makasali sa 2006 Doha Asiad.

"Okay lang ‘yon. Walang problema sa akin ‘yon. Kasi para rin naman na mabigyan ng chance ‘yung iba na maka-laro sa Asian Games," wika kahapon ni Paragua.

Dahilan sa pag-alma sa ipinatupad na Swiss System sa nakaraang National Open, siyang naging qualifying tournament para sa kompo-sisyon ng tropa sa 2006 Doha Asiad, hindi nabigyan ng puwesto si Paragua at sina GMs Eugene Torre at Rogelio "Joey" Antonio, Jr.

At sa pagkawala nina Paragua, Torre at Antonio sa national squad, dadalhin nina International Masters Ronald Dableo at Darwin Laylo ang kampanya ng bansa sa nasa-bing quadrennial meet sa Disyembre.

Mula sa ELO Rating na 2607, bumaba sa 2599 ang 22-anyos na si Paragua bunga na rin ng ilang kabiguan sa mga sinalihang international tournaments.

"Siguro after the GMA Cup in November, paghahandaan ko naman ‘yung mga upco-ming tournaments sa Europe," plano ni Paragua, ang No. 1 chess player ngayon sa bansa.

Nasa ikalawang puwesto ang 55-anyos na si Torre mula sa kanyang ELO Rating 2552 kasunod ang 2550 ni Antonio. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

DARWIN LAYLO

DOHA ASIAD

EUGENE TORRE

GRAND MASTER

INTERNATIONAL MASTERS RONALD DABLEO

MARK PARAGUA

NATIONAL OPEN

PARAGUA

RUSSELL CADAYONA

SWISS SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with