ATeneo Blue Eaglets kampeon sa juniors, UST naman sa women’s

Pinangunahan ni Mike Gamboa ang Ateneo Blue Eaglets sa pagkamada ng 15-puntos at 8-assists para sa 69-61 panalo sa kanilang winner-take-all Game-Three laban sa FEU Baby Tamaraws para sa juniors title.

Umiskor ang Ateneo ng lima sa huling anim na free-throws patungo sa huling 13.3 segundo ng labanan para sa 2-1 panalo-talo sa best-of-three serye para sa ikalimang juniors plum ni coach Jamike Jarin.

Nagtala ang UST Tigresses ng 67-59 pa-nalo sa kanilang deci-ding Game-Three laban sa FEU Lady Tams para makopo ang unang women’s title sa loob ng 11 taon.

Nagtala si Rem Buenacosa ng 23 puntos at 9 rebounds na sinuportahan ni Elaine Orillano ng 18 puntos at 12 rebounds para sa Tigresses na tumapos ng best-of-three series sa 2-1. (Mae Balbuena)

Show comments