^

PSN Palaro

Game 2 ng UAAP hinagupit ni ‘Milenyo’

-
Dahil sa bagyong ‘Milenyo’ napilitan ang mga opisyal ng UAAP na kanselahin ang 3 finals games ng basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Iniurong ang Game 2 ng titular showdown ng Ateneo at UST para sa korona ng senior division, gayundin ang deciding Game 3 ng juniors at women’s divisions, ayon sa pagkakasunod.

Gaganapin ang mga nakanselang laro sa Sabado at kung kinakailangan ng Game 3 ng best-of-three titular series ng Blue Eagles at Tigers ay gaganapin din ito sa Oct. 2 sa Big Dome.

Lamang sa serye ang Ateneo matapos ang panalo noong Linggo sa pagbubukas ng finals kung saan naging bayani si Doug Kramer na umiskor ng winning basket.

Sa Sabado din matutukoy ang kampeon sa juniors division sa pagitan ng Ateneo Eaglets at FEU Baby Tamaraws, gayundin ang women’s side sa pagitan ng UST Lady Tigresses at FEU Lady Tams.

Naka-schedule din ang awarding ceremonies kung saan ihahayag ang MVP, Rookie of the Year at ang pinakaaabangan dito ay kung sino sa pagitan nina Kenneth Bono ng Adamson Falcons at JC Intal ng Ateneo Blue Eagles ang tatanghaling MVP ng tournament.

Tulad ng schedule kahapon, mauuna ang women’s finals sa alas-12 ng tanghali, kasunod ang juniors fiinals sa alas-2 ng hapon at isisingit ang awarding ceremonies sa alas-3:30 ng hapon, bago ang Game 2 ng UST at Ateneo. (Mae Balbuena)

ADAMSON FALCONS

ARANETA COLISEUM

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

ATENEO EAGLETS

BABY TAMARAWS

BIG DOME

BLUE EAGLES

DOUG KRAMER

KENNETH BONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with