Utos ng US Court: Pacquiao, kakaltasan ng $435,000
September 23, 2006 | 12:00am
Hindi ito magandang balita para kay Manny Pacquiao.
Ayon sa isang ulat, inatasan umano ng US court si Bob Arum ng Top Rank, promoter ng Manny Pacquiao-Erik Morales Grand Finale sa Nobyembre 18 na kaltasin ang halagang $435,000 mula sa magiging pera ng Pinoy icon.
Ayon sa ulat, inatasan ng Superior High Court sa San Mateo County, California na kolektahin ang naturang halaga makaraan umanong hindi bayaran ni Pacquiao ang dating manager na si Marty Elorde at ang abogadong si Sydney Hall sa kasong inihain ni Elorde.
Ito ay ang non-payment ng managerial fee ni Elorde sa unang laban nito kay Morales.
Ayon kay Elorde, siya ang legal na manager ni Pacquiao nang panahon na pirmahan ni Pacquiao ang laban na iyon kay Morales at hindi ang management team ngayon ni Shelly Finkel at ng mga abogadong sina Nick Kahn at Keith Davidson na nangolekta ng 25 percent sa pera ni Pacquiao.
Nag-alok umano sina Elorde at Hall ng areglong $200,000 pero hindi sumang-ayon si Pacquiao.
Ang abogadong may hawak ng kaso ay si John Burris na ang opisina ay matatagpuan sa Oakland Airport Corporate Center.
Ayon sa ina ni Elorde na si Laura, ang asawa ng yumao at dakilang world junior lightweight champion Gabriel "Flash" Elorde na nalaman niyang inatasan ng korte si Pacquiao na magbayad ng $435,000 bago ang laban kay Morales.
Inatasan naman umano ng galit na si Pacquiao ang kanyang close friend at confidant na si Rex Wakee; Salud na magfile ng counter-claim laban kay Elorde.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended