Ang kompetisyon sa grade school (13&below), juniors (14-17) at seniors (18& above) divisions ang paglalaban-labanan sa limang araw na torneo na humatak ng partisipante mula sa probinsiya lalo na sa Visayas at Mindanao regions.
Lahat ng qualifiers ay pawang mga gold medal winners sa international, national at regional competition.
"Aside from winning medals and other items courtesy of our sponsor Samsung, the champions also get the bragging rights of being the Best of the Best," ani Princess Galura ng organizing International Management Group (img) sa lingguhang PSA Forum sa Pantalan Restaurant sa Manila.
Kasama niya sa pampublikong sports program na hatid ng Pagcor, Manila Mayor Lito Atienza at Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza sina national team coach Igor Mella, na kumatawan kay Philippine Taekwondo Association (PTA) vice president Song Chon Hong at Jerry Lacson, Samsung general manager for marketing.
Bilang dagdag na atraksiyon sa torneong suportado din ng Burlington, Kix, Peak, Ayala Center, Philippine Star at Sunbolt, ay pagtatanghal ng poomsae at taekwon chejo events, kung saan may nakatayang kabuuang P75,000 papremyo.