Pacquiao, Finkel break na
September 19, 2006 | 12:00am
Kinumpirma na kahapon ni boxing manager Rex "Wakee" Salud ang pagwawakas ng relasyon nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at American promoter Shelley Finkel.
Ayon kay Salud, nakatakdang magtungo kagabi sa Wildcard Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Hollywood, California kasama si Pacquiao, kikilos na ang pambato ng General Santos City bilang isang independent.
"Siguro tutulungan ko na lang si Manny sa mga papasukin niyang laban or kontrata," wika ni Salud.
Sa inaasahang pagiging isang independent boxer ni Pacquiao, dadalhin nito ang sarili niyang promotional outfit na MP Promotions na siyang naghatid ng laban niya kay Oscar Larios noong Hulyo 2 sa Araneta Coliseum.
"Maliban sa pagtiklop ng kanilang samahan ni Finkel, wawakasan na rin ng tinaguriang "Pacman" ang kanilang kontrata sa Top Rank Promotions ni Bob Arum," dagdag ni Salud.
Pagdating ni Pacquiao sa Wildcard Gym ni Roach, inaasahang tututukan ng husto ng Filipino fighter ang kanyang preparasyon sa kanilang "Grand Finale" ni Mexican legend Erik Morales sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mach Center sa Las Vegas, Nevada.
"Siguradong pagdating ni Manny sa Wildcard Gym tuluy-tuloy na yung paghahanda niya sa laban nila ni Morales. Alam nyo naman si Manny kapag nag-training na yan, wala nang iintindihin yang iba," ani Salud.
Itataya ng 27-anyos na si Pacquiao ang kanyang WBC International super feather-weight crown laban kay Morales sa nasabing upakan. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended