^

PSN Palaro

Walang pressure kay Dualan

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Tatlong finals appearances sa tatlong sunod-sunod na seasons! Iyan ang record ng Philippine Christian University sa National Collegiate Athletic Association.

Heto pa: Sa tatlong sunud-sunod na taong iyon ay tatlong magkakaibang coaches ang humawak sa PCU Dolphins.

Noong 2004, ang PCU ay iginiya ng multi-titled na si Loreto Tolentino sa kanilang kauna-unahang kampeonato sa NCAA. Bago nagsimula ang 2005 season ay nagbitiw si Tolentino bilang coach ng PCU upang mag-concentrate sa University of Manila at Rizal Technological University kung saan siya rin ang head coach.

Si Tolentino ay hinalinhan ng isa pang-multi-titled coach na si Edmundo "Junel" Baculi na nagwagi ng kung ilang titulo sa Philippine Basketball League noong hawak pa niya ang Welcoat House Paints. Pero nabigo si Baculi na mapanatili ang kampeonato sa bakuran ng PCU nang matalo ang Dolphins sa Letran Knights sa Finals.

Bago nagsimula ang season na ito ay nagbitiw din si Baculi sa kanyang posisyon dahil sa bantang sususpindihin siya ng pitong games bunga ng ilang infractions sa ibang liga. Itinalaga bilang head coach ang kanyang assistant na si Joel Dualan.

Medyo shaky ang naging simula ng PCU dahil sa tinalo sila ng Mapua Cardinals sa opening day. Pero kaagad namang nakabawi ang Dolphins nang maungusan nila ang San Beda Red Lions, 70-66 sa kanilang sumunod na laro.

Pero marami ang nagsabi na kung si Koy Banal ang humawak sa Red Lions at hindi ang kanyang assistant na si Jude Roque, baka nanaig ang San Beda sa PCU noon. Kasi, absent si Banal dahil sa inuna muna niya ang commitment niya sa Purefoods na nasa Finals naman ng PBA Philippine Cup. Si Banal ay assistant coach ng Chunkee Giants at nagsabay ang mga larong iyon.

Bagamat sunud-sunod ang naging panalo ng Dolphins, patuloy na pinagdudahan ang kanilang kakayahan dahil sa panay come-from-behind ang kanilang mga tagumpay. Kumbaga’y hindi sila dominante sa simula ng torneo.

Nang mag-settle down na si Dualan sa kanyang pusisyon ay naging maayos ang takbo ng PCU at rumatsada nga ang Dolphins sa dulo ng second round kung saan nakatabla nila sa ikalawang puwesto  ang nagtatanggol na kampeong Letran Knights sa kartang 10-4 sa likod ng nangunang San Beda (13-1).

Bunga nito’y nagkaroon ng playoff para sa twice to beat advantage at ginapi ng PCU ang Letran, 67-62. At sa Final Four noong Miyerkules ay tinambakan ng Dolphins ang Knights,72-50 upang akarating sa championship sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Matindi din naman ang record na ito para sa PCU na maglalaro bilang underdog kontra San Beda sa best-of-three Finals ng NCAA na magsisimula ngayong hapon sa Araneta Coliseum.

At dahil sa underdog ang kanilang papel, mas kaunti ang pressure sa balikat ni Dualan. Kasi nga, ang pagpasok sa Finals ay isa nang achievement para sa kanya na isang bagito sa larangan ng coaching.

Yun pa kayang magkampeon?

ARANETA COLISEUM

CHUNKEE GIANTS

DUALAN

FINAL FOUR

JOEL DUALAN

JUDE ROQUE

LETRAN KNIGHTS

PCU

PERO

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with