^

PSN Palaro

Nadale ni ‘Bata’!

-
JAKARTA, Indonesia – Taglay ang mahusay na tira, paminsan-minsang paggamit ng mahika, sinementuhan ni Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang sarili bilang undisputed king ng Asian 9-ball hill ng kanyang dominahin ang local bet na si Ricky Yang, 11-6 sa finals ng Jakarta leg ng 2006 San Miguel Asian 9-ball Tour at matagumpay din niyang naidepensa ang kanyang korona at ang pagkumpleto ng sweep para sa kampanya ng Filipinos dito.

Mainit na binuksan ni Reyes ang kanyang kampanya ng kunin ang anim mula sa unang pitong racks laban sa Indonesian sa bisa ng rack runs sa 1st, 15th at 7th, at 1-9 ball combo sa 3rd at linisin ang lamesa sa 4th at 6th racks.

Pero pinatunayan ni Yang ang kanyang pagiging malamig sa simula ng kunin ang 2nd rack.

At dito na nagsimulang bumangon si Yang ng muling mapagwagian ang sumunod na tatlong racks mula sa apat ng kanyang samantalahin ang scratch ni Reyes sa 11th at ibaba ang kalamangan sa 4-7.

Ngunit mabilis ding iminaniobra ni Reyes ang kanyang laro upang muling makabalik sa track ng kanyang kunin ang bentahe sa 2 ball miss ni Yang sa bawat sumunod na rack at magaang na ikunekta ang 5-9 combo.

Hindi pa rin natitinag ang Indons ng siya naman ang naglinis ng lamesa sa 13th rack mula sa mahirap na safety ni Reyes sa 2 ball at panibagong run out sa 14th para ilapit ang iskor sa 6-8 pabor pa rin sa Pinoy.

At dito na sinimulan ni Reyes na paganahin ang kanyang mahika ng sa 15th rack kumunekta ito ng imposibleng corner pocket sa black 8-ball at mula dito, unti-unti ng tinahak ni Ryes ang kanyang panalo matapos ang blunder sa placing ni Yang sa 4 ball at sa 17th rack na nagbigay daan para tuluyan ng iselyo ng Filipino icon ang kanyang panalo sa 11-6.

Nagbulsa si Reyes ng US$10,000, habang ang runner-up ay nakuntento lamang sa US$5,000.

BALL

BATA

EFREN

INDONS

KANYANG

MAINIT

NAGBULSA

REYES

RICKY YANG

SAN MIGUEL ASIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with