^

PSN Palaro

Reyes umusad sa semis

-
JAKARTA, Indonesia--Nananatiling matikas ang Filipino billiard icon na si Efren ‘Bata’ Reyes sa glamorosong Mutiara Ballroom ng Gran Melia Jakarta Hotel matapos na patalsikin ang Koreanong si Jeong Young-Hwa, 9-6 sa quarterfinals upang makasikwat ng slot sa semifiinal ng final leg ng 2006 San Miguel Asian 9-Ball Tour.

Ang la-bang ito ang nagpasaya sa pa-natiko ng dalawang man-lalaro kung saan nasila-yan ng mga manonood ang labanan na hindi inalintana ang pressure sa competition at nagawa pa ng magkala-ban na magbiro sa isa’t isa bago magsimula ang kanilang tunggalian na nagpasaya naman sa mga mano-nood.

Gayun-paman, ng ang iskor ay mag-tabla sa two racks, inila-bas na ni Reyes ang kanyang tunay na laro at kanyang isnikwat ang sumunod na tatlong racks sa bisa ng run sa 5th at 6th rack, na pinalakas pa ang paglinis sa lamesa sa pamamagitan ng 1 ball miss ng Koreano sa 4th at ilatag ang 5-2 abante laban kay Jeong.

Mula dito, nagpamalas na ang dalawang cue artists ng kani-kanilang husay sa pagsargo ng bola at kakayahan ng magpalitan sila ng rack runs hanggang sa ang laban ay magtapos sa 9-6 pabor sa Filipinos.

Bunga nito, hihintayin na lamang ng Filipino Billiard Hall of famer ang magiging bracket sa semifinals kasama ang Indonesian favorite na si Muhammad Sulfikri, na nakuha rin ang semis berth matapos niyang igupo ang Kaohsiung leg winner na si Rodolfo Luat sa makapigil hiningang come-from-behind na panalo, 9-8.

Ang kabiguang ito ay napakasakit kay Luat na abante sa kaagahan ng labanan, gayunpaman, tinanggap ng maluwag ng manlalarong tinaguriang ‘Boy Samson’ ang kan-yang pagkatalo at yumu-kod at nagbigay galang sa batang Indonesian.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan pang naghihintay ang teen billiard wizard na si Wu Chia-Ching at Wang Hung-Hsiang ng kanilang makakalaban. Nakatak-dang makipaglaban si Wu sa isa pang local player--si Ricky Yang, habang makikipagsarguhan naman si Wang sa Japa-nese na si Masaaki Tanaka.

  Samantala, tuluyan ng napatalsik sa kompe-tisyon sina Francisco ‘Django’ Bustamante at Ramil Gallego matapos na muling lumasap ng pagkatalo sa group stage noong nakaraang Biyernes.

BALL TOUR

BOY SAMSON

FILIPINO BILLIARD HALL

GRAN MELIA JAKARTA HOTEL

JEONG YOUNG-HWA

MASAAKI TANAKA

MUHAMMAD SULFIKRI

MUTIARA BALLROOM

RAMIL GALLEGO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with