Bagamat nakauna si Apancho ng kunin niya ang tatlo mula sa apat na racks ng labanan, matapos na samantalahin ang bold attack ni Reyes sa safety sa first rack at sa rack run sa second at fourth game upang iposte ang maagang pangunguna laban sa Pinoy favorite, 3-1, nananatiling kalmante si Reyes at hindi man lamang ito kinakitaan ng pangangamba sa kanyang mga tira.
At ng mabigyan na ng pagkakataon matapos na mafoul si Apancho sa fifth rack, nagsimula ng umahon si Reyes ng kanyang simulan ang 3-rack streak at baligtarin ng Filipinos ang iskor sa 4-3 bentahe.
Ngunit nananatiling nagpakita ang batang Indonesian ng kanyang malaking puso at determinasyon at nagawa rin niyang pigilan ang pag-alagwa ni Reyes at naitabla ang iskor sa 4 racks ng kunin ang 8th rack sa bisa ng golden break.
At sa pagkakataong ito, pinagana na ni Reyes ang kanyang mahika ng samantalahin ang pagkakafoul ng Indons sa 2 ball sa sumunod na rack, dito na sinimulan ni Reyes ang pagtakas sa 3 rack run na naghatid sa kanya sa 3 rack na bentahe laban sa kanyang kalaban, 7-4.
Isa pang Pinoy si Rodolfo Luat ang nagtagumpay sa kanyang unang laban kontra sa Thai na si Amnuayporn Chotipong, 9-1.
Samantala, panibagong dagok na naman ang natikman ni Francisco Django Bustamante sa kanyang kampanya sa Asian tour ng yumukod ito sa Taiwanese na si Wang Hung-Hsiang, 6-9 sa iba pang laro.
Si Bustamante na dumating sa Jakarta noong Huwebes ng hapon ay kumpiyansa na ibibigay niya ang kanyang pinakamahusay na performance matapos ang kanyang ipinakita sa katatapos pa lamang na IPT World 8-Ball Championship.
Gayundin si Ramil Gallego na yumuko kay Masaaka Tanaki ng Japan, 1-9.