^

PSN Palaro

Sino Ang Mas Iniidolo?: Pacman tinalo ni ‘Bata’

-
Sino ang tunay na iniidolo ng mga Pinoy? Ang Pinoy ring icon bang si Manny Pacquiao o ang mapagkumbabang cue wizard na si Efren ‘Bata’ Reyes?

Sa maniwala kayo o hindi, at sa isang nakakagulat na kasagutan, na mismong sina Pacquiao at Reyes ay magugulat, humatak ng pinakamaraming boto na 66 porsiyento kumpara kay Pacquiao na may 33 porsiyento lamang.

At ang higit na nakakagulat ay mismong sa sariling website ni Pacquiao-- ang Pacland-- tinalo ito ni Reyes.

Ang isa sa bumoto kay Reyes ay nagsabing kaya ang tinaguriang ‘The Magician" ang kanyang ibinoto ay dahil si Efren ang greatest pool player of all-time habang si Manny ay pwedeng maging si Sugar Ray Leonard. Walang kalaban o kapantay si Reyes at lahat ay sumasang-ayon dito.

At sa larangan ng boxing kailangang maalpasan din ni Pacquiao si Flash Elorde na naghari sa larangan ng boxing sa loob ng pitong taon at kalahati at nailuklok pa ito sa Boxing Hall of Fame na katulad ni Reyes ay nailagay din sa Billiards Congress of America Hall of Fame.

Bagamat maraming kabataan ang umiidolo kay Pacquiao mas marami pa rin ang bumoto kay Reyes dahil mas matagal na itong nagbibigay ng karangalan sa bansa at hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay ng karangalan.

Alam din ng marami na maaabot o mararating din ni Pacquiao ang Hall of Fame.

Gayunpaman, hindi kaila na ang dalawang Pinoy na ito, ang 52 anyos na si Reyes at 27 anyos na si Pacquiao ay nakapagbigay ng karangalan sa bansa at natatanging atleta na naging inspirasyon ng milyun-milyong Pinoy.

ANG PINOY

BILLIARDS CONGRESS OF AMERICA HALL OF FAME

BOXING HALL OF FAME

EFREN

FLASH ELORDE

HALL OF FAME

PACQUIAO

PINOY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with