Matensiyon ang UAAP Final Four
September 13, 2006 | 12:00am
Siguradong magiging matensiyon ang Final Four sa Linggo ng UAAP mens basketball tournament.
Wala pa mang pairing dahil maglalaban pa ang University of Santo Tomas at ang Adamson University sa playoff para sa No. 3 slot bukas, tiyak na punumpuno ng aksiyon ang semis round kung saan may taglay na twice-to-beat advantage ang Ateneo de Manila University at ang host University of the East bilang top-two-teams sa eliminations.
Ang mananalo sa pagitan ng UST Tigers at AdU Falcons ang sasagupa sa No. 2 team na UE Red Warriors at ang talunan ang siyang babagsak sa No. 4 ay haharap sa top seed team na ADMU Blue Eagles.
Matapos pangunahan ang eliminations, isa na itong achievement para kay coach Norman Black ng Ateneo.
"At the start of the year we set goals. The first is to land in the top two after the elims, and the second is to take advantage of the twice-to-beat advantage," ani Black na panauhin sa PSA Forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Pantalan Restaurant sa Manila.
Walang pinipiling kalaban si Black at ayon sa kanya, ang kanyang misyon ay ihatid sa titulo ang Ateneo. "Weve played all these teams in the elims and theyre all tough. You should always be careful of what you wish for."
Kasama ni Black na panauhin sa Forum na suportado ng PAGCOR, Manila Mayor Lito Atienza at Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza ay ang kanyang kapwa PBA veteran na si Pido Jarencio, na head coach na ngayon ng UST, Leo Austria na mentor na ng Adamson, at Gido Babilonia na umaasiste kay Dindo Pumaren sa UE.
"Kami kahit sino. Wala naman kaming ibang pupuntahan eh. Pare-parehong malakas. And we have nothing to lose now because in the previous years, weve placed sixth, seventh or eight," ani Jarencio.
"Im happy with whats happening to Adamson right now, considering that its the first time that it has reached the Final Four," ani Austria.
"The last two years kasi nasa baba nga ng Final Four ang UE. So maganda na sa amin na top two kami ngayon. So, even if we lose the first match, may chance pa kami. Yung nasa baba, do-or-die na agad," ani Babilonia na kumatawan kay Pumaren na di nakadalo dahil sa naunang committment. (MB)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended