Ang IPT "King of the Hill" Invitational Shootout ay ang pangwakas ng taunang IPT series ng tournament na napagwagian ni Reyes laban kay Mike Sigel sa championship kung saan nagbulsa ito ng halagang $200,000.
Sa ilalim ng format, ang top money earner ng 2006 ay seeded sa final kung saan makakaharap niya ang top finisher sa pagitan ng 40 players na inimbitahan sa event na nakatakda sa Disyembre 12-17 sa Las Vegas, Nevada.
Ang araw ng torneong ito ay kasabay ng Asian Games, at ito ang dahilan kung bakit hindi makakasama si Reyes sa Asiad-bound billiards squad.
Kabilang na ang $36,000 kinita sa season, si Reyes ay may naipon ng $536,000 na napagwagian at ibagsak si Hohmann sa ikalawa na may $350,000 na kanyang napagwagian naman sa IPT North american 8-Ball Championship kung saan tinalo nito ang Pinoy na si Marlon Manalo na may $99,000 na sa bulsa.
Ang iba pang Pinoy, si Dennis Orcollo ang pumangatlo na may $144,000 matapos mapagwagian ang $66,000 bilang 54th placer.
Nakatakdang dumating ngayon sa bansa si Reyes.