^

PSN Palaro

Reyes lalaban sa IPT King of the Hill

-
Dahil sa tumataginting niyang $500,000 premyo sa katatapos na IPT World 8-Ball Championship, nalagpasan ni Efren ‘Bata’ Reyes si Thorsten Hohmann ng Germany, sa 2006 IPT Season Player Rankings at patungo ito sa No. 1 spot ng 2006 IPT ‘King of the Hill" Invitational Shootout sa Las Vegas sa Disyembre.

Ang IPT "King of the Hill" Invitational Shootout ay ang pangwakas ng taunang IPT series ng tournament na napagwagian ni Reyes laban kay Mike Sigel sa championship kung saan nagbulsa ito ng halagang $200,000.

Sa ilalim ng format, ang top money earner ng 2006 ay seeded sa final kung saan makakaharap niya ang top finisher sa pagitan ng 40 players na inimbitahan sa event na nakatakda sa Disyembre 12-17 sa Las Vegas, Nevada.

Ang araw ng torneong ito ay kasabay ng Asian Games, at ito ang dahilan kung bakit hindi makakasama si Reyes sa Asiad-bound billiards squad.

Kabilang na ang $36,000 kinita sa season, si Reyes ay may naipon ng $536,000 na napagwagian at ibagsak si Hohmann sa ikalawa na may $350,000 na kanyang napagwagian naman sa IPT North american 8-Ball Championship kung saan tinalo nito ang Pinoy na si Marlon Manalo na may $99,000 na sa bulsa.

Ang iba pang Pinoy, si Dennis Orcollo ang pumangatlo na may $144,000 matapos mapagwagian ang $66,000 bilang 54th placer.

Nakatakdang dumating ngayon sa bansa si Reyes.

ASIAN GAMES

BALL CHAMPIONSHIP

DENNIS ORCOLLO

DISYEMBRE

INVITATIONAL SHOOTOUT

KING OF THE HILL

LAS VEGAS

MARLON MANALO

MIKE SIGEL

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with