Hindi naglaro sa Board One si Mariano sa ika-10th at final round noong Linggo sa UE Briefing Room sa kanyang paghakot ng Most Valuable Player trophy kung saan humakot ang UE ng 33.5 puntos.
"I wanted to end my campaign in the juniors competition not only individually on a high note, but also to give UE another championship," ani Mariano, na walang talo sa buong season. Isinara niya ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng 20-moves ng Ruy Lopez opening kontra kay Brando Maligaya ng National University.
Pinabagsak ni Mariano at ng UE ang National U, 3-1 noong Sabado at isara ang kampanya sa pamamagitan ng 2-2 draw sa UST noong Linggo.
Kinapos naman ang Adamson University bagamat natuhog nila ang 3.5-.5 panalo laban sa Ateneo sa 9th round at 4-0 shutout sa NU sa 10th round. Tumapos na ikalawa ang Falcons na may 31.0 puntos habang ikatlo naman ang Tigers.
Sa kabilang dako, hindi gaanong nakaapekto ang 30 move na kabiguan ni Cua, transferee mula sa UP, kay Rulp Ylen ng FEU dahil hindi na rin napigil ang UST sa pagsungkit ng kanilang korona sa womens chess.
May 31.0 puntos na output, hindi na mahabol ang Tigresses ng pumapangalawang FEU na may 21.5 puntos.
Sa mens division, nagtala ang FEU ng 29.0 puntos makaraan ang 12 rounds at kadikit lamang ang Adamson at UP na may 4.0 puntos na layo sa kanilang tig-25.0 puntos may dalawang rounds pa ang natitira. Nasa ikatlo ang UE na may 24.5 kasunod ang UST na may 21.5, NU 12.0 at Ateneo 7.0.