^

PSN Palaro

44 events inaprobahan sa 2007 Thailand SEA Games

-
Kabuuang 44 sports events ang inaprubahan ng Southeast Asian Games Council (SEAGC) para sa 24th SEA Games sa Thailand sa susunod na taon.

Ito ay matapos ang idinaos na three-day meeting ng SEAGC sa Pattaya, Thailand kung saan pinili ang nasabing bilang ng sports events na ilalatag para sa 2007 SEA Games.

Nakatakda ang nasabing biennial meet sa Nakhonratsima, isang probinsya sa Thailand, sa Disyembre 6-15.

Kabilang sa mga popular na sports events na ilalaro sa 2007 SEA Games ay ang athletics, swimming, boxing, gymnastics, taekwondo, judo, wushu, bowling, billiards and snooker, cycling, baseball, softball, karatedo, golf at basketball.

Sa naturang 44 sports events, isinama ng Thailand ang hockey, futsal, rugby at windsurfing kasabay ng pagtatanggal sa chess, beach volleyball, arnis at squash.

Sa nakaraang edisyon ng SEA Games noong 2005 na idinaos sa Pilipinas, kabuuang 45 sports events ang inihanay ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC).

Wala sa naturang listahan ang hockey, futsal, rugby at windsurfing na siya namang isinama ng Thailand.

Ang iba pang sports na paglalabanan sa 2007 SEA Games ay ang archery, badminton, handball, canoeing, rowing, equestrian, fencing, football, golf, gymnastics, judo, karatedo, sailing, sepak takraw, shooting, table tennis, triathlon, tennis, volleyball, weightlifting, wrestling, dance sport, lawn bowls, muay thai, petanque, pencak silat at traditional boat racing.

Sa 2005 Philippine SEAG, humakot ang mga Thai athletes ng kabuuang 87 gold, 78 silver at 118 bronze medals sa ilalim ng 112-84-94 ng mga Pinoy para tanghaling overall champion sa kauna-unahang pagkakataon. Kabuuang 441 gintong medalya ang pag-aagawan sa 2007 SEAG. (Russell Cadayona)

DISYEMBRE

GAMES

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

KABILANG

KABUUANG

NAKATAKDA

NAKHONRATSIMA

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with