^

PSN Palaro

Sa Masters Ng World Men’s Championship: Gold medal isinukbit ni Rivera

-
Winakasan ni Biboy Rivera ang apat na taong pagkauhaw nang makopo nito ang gintong medalya sa Masters sa World Men’s Championship makaraang tapusin ang tagumpay ng may perfect game sa fifth at deciding game tungo sa 3-2 panalo laban kay Achim Grabowski sa finals sa Homeplus Asiad Bowling Centre sa Busan, Korea.

Pinili ng 32 anyos na si Rivera, rank 9, ang long oil na panimula ng finals laban sa 14th seed German at mapagwagian ang laban sa 232-223 bago humatak ng 225-223 sa kapanapanabik na ikalawang laban.

Gayunpaman, nabigo si Rivera na maka-sweep nang mahirapan itong makita ang line pababa at matalo sa ikatlong game, 175-204.

Sumandal sa nasabing panalo, nasustina ni Grabowski ang pangunguna at umiskor ng 220-193 panalo na nagpwersa ng decider.

Sa kanyang paboritong long oil condition, nanalasa ang Pinoy at pinanay ang strike, makaraang magpagulong ng 12 sunod na strikes at umiskor ng ikatlong perfect game ng championship tungo sa tagumpay, pagsukbit ng gintong medalya at world champion title.

Bunga nito, tinapos ni Rivera ang apat na taong pagkauhaw. Ang huling tagumpay nito ay ang pagwawagi ng doubles gold medal kasama si Chester King noong 2002 Asian Championship sa Hong Kong.

Ang panalo ay nagwakas din sa 15-taon na pagkauhaw ng bansa sa World Championship, na ang huling medalya ay nakopo naman nina Paeng Nepomuceno at Paulo Valdez noong 1991 championship sa Singapore.

ACHIM GRABOWSKI

ASIAN CHAMPIONSHIP

BIBOY RIVERA

CHESTER KING

HOMEPLUS ASIAD BOWLING CENTRE

HONG KONG

PAENG NEPOMUCENO

PAULO VALDEZ

RIVERA

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with