Pag mayroon palang tumitira na writers sa anak niya, gumaganti siya sa pamamagitan ng e-mail.
Susulatan niya ang writer thru email at kung anu-ano ang pinagsasabi nya.
Pero ang nakakatawa, nagtatago siya sa ibang pangalan.
Pero ayon sa isang sportswriter na minsan nang sinulatan ng nanay na ito, kilalang-kilala raw niya ang style at ang paggamit ng English words ng nanay na ito kaya alam niyang ang nanay ang sumulat sa kanya.
Napaka-cheap ni nanay at pati ganyan eh pinapatulan niya.
Sabi nga nung isang sportswriter, "Hindi na yan katakataka. Ang nanay na yan ang pinakaingrata sa lahat ng nanay ng mga PBA players."
Yan din ang obserbasyon nina Coach Yeng Guiao at Tim Cone.
Ngayong kasama na nila sina Hatfield, Reavis, at Mamaril, tapos meron ka pang Menk, Adducul, Helterbrand at Caguioa, ano pa bang hahanapin mo sa team na yan? Tapos, si Jong Uichico pa ang coach.
Kapag ganyang malakas ang Ginebra, tiyak na magiging masaya rin ang PBA sa takilya. Sigurado yan....
Ito na nga marahil ang taon nila sa NCAA at ilang games na lang ang hinihintay nila bago sila makapag-uwi ng kanilang first NCAA title in 28 years.
Kaya naman todo suporta ang San Beda alumni and students sa team nila. Tinalo nila ang Letran, kaya naman ang Knights eh napuwersang makipag-playoffs pa sa PCU ngayong araw na ito for the No. 2 slot.
Kaya naman tiyak na mapupuno ang Big Dome today.
Next week, umpisa na ng labanan para sa finals.
PCU at Letran pa rin ang maghaharap at dun naman sa isang pairing, San Beda at Mapua.
Hindi rin dapat magkumpiyansa ng todo ang San Beda sa Mapua dahil matinik din ang mga bata ni Coach Horacio Lim.