Nanay ni PBA player mahilig mag-e-mail
September 8, 2006 | 12:00am
Kung sa World basketball eh naka-third place ang mga pinaka-iidolo nating NBA players, palagay nyo, saan pupulitin ang mga pinakapaborito nating PBA players kung nakasali tayo dyan?
Nakakatawa ang nanay ng isang sikat na basketball player.
Pag mayroon palang tumitira na writers sa anak niya, gumaganti siya sa pamamagitan ng e-mail.
Susulatan niya ang writer thru email at kung anu-ano ang pinagsasabi nya.
Pero ang nakakatawa, nagtatago siya sa ibang pangalan.
Pero ayon sa isang sportswriter na minsan nang sinulatan ng nanay na ito, kilalang-kilala raw niya ang style at ang paggamit ng English words ng nanay na ito kaya alam niyang ang nanay ang sumulat sa kanya.
Napaka-cheap ni nanay at pati ganyan eh pinapatulan niya.
Sabi nga nung isang sportswriter, "Hindi na yan katakataka. Ang nanay na yan ang pinakaingrata sa lahat ng nanay ng mga PBA players."
Ang Ginebra San Miguel na ang siyang pinakamalakas na team sa PBA ngayon.
Yan din ang obserbasyon nina Coach Yeng Guiao at Tim Cone.
Ngayong kasama na nila sina Hatfield, Reavis, at Mamaril, tapos meron ka pang Menk, Adducul, Helterbrand at Caguioa, ano pa bang hahanapin mo sa team na yan? Tapos, si Jong Uichico pa ang coach.
Kapag ganyang malakas ang Ginebra, tiyak na magiging masaya rin ang PBA sa takilya. Sigurado yan....
Grabe naman ang San Beda Red Lions!
Ito na nga marahil ang taon nila sa NCAA at ilang games na lang ang hinihintay nila bago sila makapag-uwi ng kanilang first NCAA title in 28 years.
Kaya naman todo suporta ang San Beda alumni and students sa team nila. Tinalo nila ang Letran, kaya naman ang Knights eh napuwersang makipag-playoffs pa sa PCU ngayong araw na ito for the No. 2 slot.
Kaya naman tiyak na mapupuno ang Big Dome today.
Next week, umpisa na ng labanan para sa finals.
PCU at Letran pa rin ang maghaharap at dun naman sa isang pairing, San Beda at Mapua.
Hindi rin dapat magkumpiyansa ng todo ang San Beda sa Mapua dahil matinik din ang mga bata ni Coach Horacio Lim.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am