^

PSN Palaro

Corteza umusad sa main draw ng San Miguel-Philippine 9-Ball Open

-
Binasag ni Lee Vann Corteza ang kanyang katahimikan sa big time pool nang makuha nito ang isang puwesto sa main draw ng 2006 San Miguel Philippine 9-Ball Open noong linggo sa Paeng’s Skybowl billiards hall sa Robinson’s Galleria.

Tinalo ng many-time gold winner sa Southeast Asian Games pool competitions si Leonardo Didal, 7-4, sa knockout match at makuha ang huling tiket sa ikalawang yugto ng tour.

Naran out ni Corteza ang huling tatlong racks laban kay Didal upang bigyang kulay ang kanyang pinaka-signipikanteng panalo.

Samantala, wala pa ring talo ang batang Russian na si Petiza at beteranong si Romeo Villanueva sa loob ng limang laro upang kunin naman ang dalawang unang slots.

Tinalo ni Petiza si John Salazar, 7-2, habang nakalusot si Villanueva kay Corteza, 7-6.

Nakabangon naman si Salazar sa loser’s bracket at igupo ang 17 anyos na si Mark Mendoza, 7-3, at umusad din.

May kabuuang 65 players ang lumahok sa dalawang araw na qualifying event , kabilang na ang apat na pangunahing babae cue artists ng bansa na sina SEA Games double-gold winner Rubilen Amit, Iris Ranola, Mary Ann Basas at Johanna Dee.

Ang apat na qualifiers ay tatanggap ng tig-P5,000 bawat isa at aabante sa 32-man finals sa Oct. 12-14.

Ang ikatlong yugto ng qualifying event ay nakatakda sa Cebu City sa Sabado.

Seeded din sa finals ang top eight finishers noong nakaraang taon na pinamumunuan nina defending champion Francisco "Django" Bustamante at runner-up Dennis Orcollo at inimbitahan din sina Efren "Bata" Reyes, Jose "Amang" Parica, Marlon Manalo at Alex Pagulayan.

ALEX PAGULAYAN

BALL OPEN

CEBU CITY

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

IRIS RANOLA

JOHANNA DEE

JOHN SALAZAR

LEE VANN CORTEZA

LEONARDO DIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with