"Hes highly motivated for this fight and this is a huge fight him and Morales. Its something hes looking forward to and I am also," pahayag ni Roach sa isang panayam ng isang boxing website.
"Well you know the thing is he wants to prove to the world it was no fluke when he beat Morales and that hell do it again," dagdag pa ni Roach.
Bukod dito, ang panalong makukuha ng tubong General Santos City na si Pacman ay magbubukas ng maraming oportunidad sa mas malalaking laban sa 2007 gaya nga ng posibleng paglaban sa lehitimong titulo sa WBC super featherweight na ngayon ay tangan ni Marco Antonio Barrera.
Sa Setyembre 12 inaasahang lilipad na si Pacquiao sa US upang magsanay sa Wild Card Gym sa loob ng walong linggo. Pero kahit na nasa bansa pa ang pambatong boksingero ng bansa, at abala ng gawain hindi sakop ng boxing, tulad ng pagkanta, patuloy naman ang pagtakbo nito at pagtungo sa gym para sa mga magaan na pagsasanay.