^

PSN Palaro

3-man panel magtatrabaho na

-
Sisimulan na ng three-man panel na binubuo nina Manny V. Pangilinan, Joey Lina at Bernie Atienza ang pagtatrabaho sa pagbuo ng constitution and bylaws para sa bago at pinag-isang basketball association sa bansa.

Magsisimula ang pagpupulong ngayong alas-8 ng umaga sa Tower Club sa Makati at una sapul nang itatag ang three-man panel na naatasang gumabay sa malinis na proseso para sa Philippine basketball na nabuo kamakailan.

Si Lina, pangulo ng Basketball Association of the Philippines at si Atienza, pinuno naman ng Pilipinas Basketball ay makakasama sa panel ni Pangilinan, ang sports-minded chairman ng PLDT at Smart na pinani-niwalaan ng marami na magiging susi sa pagkakaisa.

Hindi tatagal ng buong araw ang naturang meeting at tiyak na maraming positibong mangyayari.

May halos tatlong linggo ang panel na magbuo at ipinalisa ang itatag na bagong asosasyon na malamang tawaging United Philippine Basketball.

Ang pagpasok ni MVP sa senaryo ay pinuri bilang malaking hakbang patungo sa pagkakaroon ng matagumpay at tahimik na asosasyon sa local basketball.

Ang BAP at PB ay kapwa may sariling constitution-and-by-laws at maaring trabahuhin ito at magamit din sa pagbubuo ng bago.

Ang drafting ng bagong constitution and by-laws ay babase sa demokratiko, country-wide at mass-based presentation ng iba’t ibang sektor ng basketball--sectoral, commercial, school-based at professional.

BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BERNIE ATIENZA

JOEY LINA

MANNY V

PANGILINAN

PILIPINAS BASKETBALL

SI LINA

TOWER CLUB

UNITED PHILIPPINE BASKETBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with