2 Cardinals sinuspinde
September 1, 2006 | 12:00am
Matapos makatikim ang San Beda College ng kabikabilang suspensyon sa kanilang mga Red Lions, dalawang Cardinals naman ng Mapua Tech ang makakaranas nito.
Inirekomenda kahapon ni NCAA Commissioner Jun Bernardino sa NCAA Management Committee (ManCom) ang pagpataw ng tig-isang one-game suspension kina Kelvin Dela Peña at Joefferson Gonzales ng Mapua.
Ito, ayon kay Bernardino, ay mula sa unsports-manlike foul nina Dela Peña at Gonzales kina Pong Escobal at 6-foot-8 Nigerian Samuel Ekwe ng San Beda, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang laro noong Miyerkules.
Siniko ni Dela Peña, ang 2005 NCAA Rookie of the Year (ROY) awardee, si Escobal sa second period, habang ito rin ang ginawa ng 62 na si Gonzales kay Ekwe sa fourth quarter.
"Mapua can make an appeal, then well discuss whether or not to uphold the Commissioners recommendations," ani Paul Supan, vice-chairman ng NCAA ManCom.
Samantala, magtatagpo naman ang five-time champions San Sebastian at University of Perpetual Help Dalta ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng Jose Rizal University at College of St. Benilde sa alas-2 para sa kanilang huling laro. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest