^

PSN Palaro

Playoff match sa NCAA posible

-
Kung si Joel Dualan ng Philippine Christian University ang paniniwalaan, posibleng mangyari ang sinasabi niyang senaryo sa Final Four ng 82nd NCAA men’s basketball tournament. 

Ayon kay Dualan, nasa mga kamay ng San Beda Red Lions ang No. 1 spot sa semifinals bunga ng 11-1 rekord nito at makakatapat ang Mapua Cardinals (7-5) na uupo bilang No. 4. At sa 10-3 baraha ng nagdedepensang Letran at 9-4 kartada ng PCU, posibleng magkaroon ng playoff match sa pagitan  ng Knights at Dolphins para sa No. 2 slot sa Final Four.   

"Kung puwede naming makuha ‘yung No. 2 slot sa Final Four mas maganda," ani Dualan. "Pero ang sinasabi ko, kung sigurado na ang San Beda sa No. 1 at makukuha namin ang either No. 2 or No. 3 against Letran, alam namin sa sarili namin na kaya namin silang talunin." 

Tinalo ng Letran ang PCU sa first round, 62-54, bago nakabawi ang 2004 NCAA champions sa second round mula sa kanilang 59-48 tagumpay. 

Upang makapuwersa ng playoff game laban sa Knights, dapat munang talunin ng Dolphins ang Cardinals para sa huling laro nito sa eliminasyon. 

"Napakahalaga ng last game namin against Mapua kasi kung mananalo kami at matatalo naman ang Letran sa San Beda, magkakaroon kami ng playoff for the No. 2 spot," wika ni Dualan. 

Ang No. 1 at No. 2 teams sa Final Four ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ incentive kontra sa No. 4 at No. 3 squads, ayon sa pagkakasunod. (Russell Cadayona) 

ANG NO

DUALAN

FINAL FOUR

JOEL DUALAN

LETRAN

MAPUA CARDINALS

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RUSSELL CADAYONA

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with