Ito ang ipinayo ng American doctor kay Filipino boxing sensation Rey "Boom Boom" Bautista kaugnay sa kanyang natamong injury na siyang naging dahilan ng pagkakansela ng kanyang laban kay Brazilian Giovanni Andrade sa Setyembre 16.
Ang naturang Bautista-Andrade super bantamweight fight ay isa sa mga undercards ng rematch nina WBC super featherweight champion Marco Antonio Barrera ng Mexico at Rocky Juarez ng United States.
"Ang sabi ng doktor sa akin sa US mga four to six weeks ang panahon ng pagpapahinga ko sa balikat ko para mag-heal nang husto," sabi kahapon ng 20-anyos na pambato ng Bohol.
Ayon kay Bautista, nakuha niya ang kanyang shoulder injury sa isang sparring session sa Cebu City bago magtungo sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Hollywood, California.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang laban ni Bautista matapos ang itinakda sana niyang pakikipagtagpo kay Mexican Alejandro Fernando Montiel sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar Larios noong Hulyo 2.
"I feel its a very important fight for my career because its one that I cant afford to lose," ani Morales sa exclusive interview na lumabas sa BoxingScene.Com.
"I have to win," pangako ng Mexican superfeatherweight na tumalo kay Pacquiao sa 12 rounds noong March ng 2005 bago nalasap ang kabiguan sa kanilang rematch noong Enero.
Hindi pa muling nakaakyat ng ring si Morales sapul nang ma-knockout sa unang pagkakataon sa kanyang career at pinag-uusapan ang pagreretiro.
Ang ikatlong sunod na kabiguan ni Morales ay magpupuwersa sa kanyang magretiro na gayunpaman sinabi ng Mexican na puspusan ang pagsasanay sa Los Angeles para sa kanilang "Grand Finale" sa Nobyembre 18 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada. (RCadayona)