Kumana ng apat na tress si Renren Ritualo sa opening quarter at dinomina naman ni Asi Taulava ang rebound, nang itakda ng Pinoy ang pananalasa.
Nagbigay ng magiting na laban sina Abdullah Abu Qura at Fadel Al-Najjar kontra sa mga Pinoy nang makipagpaligsahan ang mga ito sa shooting para makalapit ang Jordanian, 28-22 ngunit nanalasa naman ang second unit nina Wesley Gonzales, Danny Seigle at Olsen Racela.
Tumikada ng short jumpers si Seigle at sari-saring basket ang kinamada ni Gonzales para makuha ang momentum at itarak ang 42-26 abante.
Mula rito, hindi na muling lumingon pa ang Nationals nang masustina naman nina Dorian Peña, Nino Canaleta at Mick Pennisi ang tempo at higit na pinalobo ang abante sa 62-35 sa halftime.
Makakaharap ng San Miguel-RP Team, na walang talo, ang Kingdom of Saudi Arabia All-Stars sa crossover semifinals ngayon. At sa isa pang semis, ang SK Knights at Darwin All-Stars. Ang mananaig dito ay maghaharap sa finals.