^

PSN Palaro

Jordan All-Stars tinuruan ng San Miguel-RP

-
BANDAR SERI BEGAWAN — Tinuruan ng San Miguel-RP Team ng malinis na leksiyon ang Jordan All-Stars sa basketball 101 at walisin ang elimination round ng 6th Shell Rimula Brunei Cup sa pamamagitan ng 107-67 panalo sa National Indoor Stadium dito.

Kumana ng apat na tress si Renren Ritualo sa opening quarter at dinomina naman ni Asi Taulava ang rebound, nang itakda ng Pinoy ang pananalasa.

Nagbigay ng magiting na laban sina Abdullah Abu Qura at Fadel Al-Najjar kontra sa mga Pinoy nang makipagpaligsahan ang mga ito sa shooting para makalapit ang Jordanian, 28-22 ngunit nanalasa naman ang second unit nina Wesley Gonzales, Danny Seigle at Olsen Racela.

Tumikada ng short jumpers si Seigle at sari-saring basket ang kinamada ni Gonzales para makuha ang momentum at itarak ang 42-26 abante.

   Mula rito, hindi na muling lumingon pa ang Nationals nang masustina naman nina Dorian Peña, Nino Canaleta at Mick Pennisi ang tempo at higit na pinalobo ang abante sa 62-35 sa halftime.

Makakaharap ng San Miguel-RP Team, na walang talo, ang Kingdom of Saudi Arabia All-Stars sa crossover semifinals ngayon. At sa isa pang semis, ang SK Knights at Darwin All-Stars. Ang mananaig dito ay maghaharap sa finals.

ABDULLAH ABU QURA

ASI TAULAVA

DANNY SEIGLE

DARWIN ALL-STARS

DORIAN PE

FADEL AL-NAJJAR

JORDAN ALL-STARS

KINGDOM OF SAUDI ARABIA ALL-STARS

MICK PENNISI

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with