Mapua kinumpleto ang F4
August 24, 2006 | 12:00am
Kasabay ng pagkakakumpleto ng Mapua Tech sa Final Four, inangkin naman ng San Beda College ang isa sa top two seats.
Binigo ng Red Lions ang PCU Dolphins, 73-64, habang binalikan naman ng Cardinals ang nagdedepensang Letran Knights, 54-49, sa second round ng 82nd NCAA mens basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang naturang tagumpay ng San Beda ang nagtaas sa kanilang baraha sa 11-1, tampok rito ang kanilang 10-game winning streak, kasunod ang Letran (10-2), PCU (8-4) at Mapua (7-5), tuluyan nang sumibak sa five-time champions San Sebastian (4-8) at UPHD (4-8).
"We feel the pressure itong last three games namin. But we welcome the pressure because it will toughen us eventually," ani mentor Koy Banal sa Mendiola-based cagers, huling nag-kampeon noong 1972.
Kinuha ng Dolphins, tanging tropang tumalo sa Red Lions, 70-66, sa first round, ang first period, 21-12, mula sa tig-5 puntos nina Gabby Espinas at Jason Castro bago nalimita sa 14 produksyon sa fourth quarter kumpara sa 22 ng Mendiola-based team.
Tumipa si Yousif Aljamal ng 14 puntos, 8 rebounds, 2 assists at 1 steal para pamunuan ang San Beda kasunod ang 13 marka ni Nigerian Samuel Ekwe at tig-10 nina Pong Escobal at Micah Evangelista.
Itinala naman ng Mapua ang malaking 44-27 abante sa pagpinid ng third quarter bago nakadikit ang Letran, naputol ang four-game winning run, sa 42-46 mula sa inihulog na 15-2 bomba mula kina Aaron Aban at Boyet Bautista sa huling 3:12 nito.
"We have scouted them well and we know we can play them in the zone," ani mentor Horacio Lim sa kanyang Cardinals, natalo sa Knights sa first round, 71-74. "But for a champion team like Letran, you cannot give them a chance to recover."
Sa likod ng isang 3-pointer at dalawang basket ni Fil-Canadian Kelvin Dela Peña, muling nakalayo ang Mapua sa 53-42 sa huling 1:19 ng laban. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended